Wednesday, October 30, 2013

Bicol Express, ‘di pa makabibiyahe

Hindi pa rin makabibiyahe ang Bicol Express ng Philippine National Railways (PNR) sa gitna ng hiling ng magsisiuwi sa probinsiya para sa Undas.


Tinukoy ni PNR General Manager Engr. Joseph Allan Dilay ang safety concerns sa patuloy na suspensiyon ng mga biyahe ng Bicol Express sa rehiyon.



“Our Bicol Express is subject to a third-party safety evaluation, which is on-going now. We have to wait for the final report of the third-party evaluation because safety is our priority,” aniya.


Matatandaang sinuspinde ang operasyon ng Bicol Express makaraang madiskaril sa Quezon noong nakaraang taon.


Noong 2012, nagdulot ng matinding baha ang bagyong ‘Ofel’ na nakapinsala sa riles at nasira maging sa isang tulay sa Sariaya. Walang pasaherong nasaktan sa insidente ngunit napinsala nito ang interprovincial train at nasira ang tulay.


Sinabi ni Dilay na personal niyang ininspeksiyon ang mga riles at kinumpirma niyang hindi pa ligtas na magbiyahe ang tren sa mga ito.


“The rail track is temporarily passable by locomotive or one car only. As per our assessment, it is not safe to the riding public, especially when raining. It could be very dangerous,” aniya. – Kris Bayos


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bicol Express, ‘di pa makabibiyahe


No comments:

Post a Comment