PINAG-IINGAT ng Department of Health (DoH) ang publiko sa mga sakit na puwedeng makuhasa mga sementeryo sa Araw ng mga Patay.
Ani Dr. Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC) ng DOH, mas magandang magsagawa ng kaukulang pag-iingat kagaya ng paglalagay o pagpapahid ng mga mosquito repellent lotion bago magtungo sa sementeryo upang hindi makagat ng lamok.
Ayon kay Dr. Tayag, simula Enero 1 hanggang Oktubre 19 ay nakapagtala na ang DOH ng 154,833 dengue cases kung saan 545 ang namatay.
Una nang pinag-iingat ng DOH ang publiko sa pagbili ng mga kinakain sa sementeryo upang makaiwas sa sakit kagaya ng Hepatitis.
The post Publiko pinag-iingat sa mga sakit sa Undas appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment