MIAMI (AP)- Tinanggap muna nila ang kanilang mga singsing bago sila sumuong sa isang mabigat na laban.
Kapwa naman ninamnam ng Miami Heat ang maagang selebrasyon.
Inasinta ni Shane Battier ang 4-for-4 mula sa 3-point range, kasama na ang kritikal na isa mula sa kanang korner sa nalalabing 1:33 remaining, at halos sinayang ng Heat ang kanilang isinagawang mahigit sa 25-point lead bago nila hinadlangan si Derrick Rose at Chicago Bulls, 107-95, kahapon sa season-opener ng magkabilang koponan.
Umiskor si LeBron James ng 17 puntos sa Miami, isinuot ang kanilang 2013 NBA championship rings sa ginanap na pregame ceremony. Napag-iwanan pa ang Heat sa kaagahan ng laro, 9-2, at pagkatapos ay na-outscored ang Chicago, 52-24, sa nalalabing bahagi ng unang half.
Tumapos si Rose na mayroong 12 puntos sa 34 minutong paglalaro sa unang game matapos na magtamo ng napakaseryosong knee injury noong Abril 2012. Ikinasa ni Carlos Boozer ang 31 puntos at 7 rebounds para sa Chicago, nakalapit sa halos 8 puntos sa final minutes.
Ngunit ang tres ni Battier sa kanang korner ang nagpanumbalik sa katatagan ng Heat at mula noon ay ‘di na nakatanggap ng anumang pagkagambala ang koponan.
Nagposte si Chris Bosh ng 16 puntos, tumapos si Battier na taglay ang 14 at nagtala sina Dwyane Wade at Mario Chalmers ng tig13 puntos sa Miami, nagkaroon ng pitong mga manlalaro na may double figures.
Ikinasa rin nina Ray Allen at Norris Cole ang tig-11 sa Miami.
Ibinuslo naman ni Rose ang 4-for-15 para sa Bulls.
Sa halftime, pinagulong ng Miami ang 54-33 pag-angat, nagdala sa kanila upang burahin ang 108-66 final, ang panalong nagdala sa Chicago noong 2006 sa pamamahay ng Miami, bukod pa sa hinadlangan nila ang dapat sana’y ang unang singsing ng Heat franchise.
Subalit sa pagkakataong ito, ‘di na pinakawalan ng Miami ang makasaysayang araw bagamat kinakitaan pa ang Bulls ng maraming interesadong laro hanggang sa matapos ang laban.
Ang layup ni Butler sa natitirang 5:34 ang nagpalapit sa Bulls sa 15 puntos na pagka-iwan na lamang, at matapos na maimintis nito ang free throw, ang rebound naman ni Kirk Hinrich at ang 3-pointer nito ang tumapyas sa kalamangan ng Miami, 91-79.
Na-fouled out si Hinrich mula sa posesyon ng Miami, kung saan ay muling nagbalik si Rose sa nalalabing 5:14. Itinarak ni Wade ang iskor sa sumunod na segundo at sinundan pa ng Heat sa napakalakas na paghataw ni James sa harap ni Luol Deng upang maikasa ang 16-point lead.
Ngunit sadyang ‘di pa tapos ang laban para sa Bulls, muling pinagpas ang lead sa 95-87 mula sa drive ni Boozer, may 2:47 pa sa orasan.
Ang magandang panimula ni Rose ay nakita na sa kaagahan ng laro, mayroong dalawang drives para sa impresibong mga iskor. Angat ang Bulls sa 15-10 nang ilabas si Rose sa unang pagkakataon sa natitirang 3:36 sa opening quarter.
Nang magbalik si Rose, muli na naman nitong iginiya ang koponan sa komportableng kalamangan. Na-outscored ng Heat ang Bulls sa 13-3 sa unang stint ni Rose sa bench, nalaglag ang five-point lead tungo sa five-point deficit kung saan ay namayagpag na ang Heat.
PASAKALYE: Simula ng umentra ang Heat sa liga, ang reigning NBA champions ay mayroon nang 21-5 sa kanilang opening game sa nagdaango season. … Bibisita ang Heat sa Philadelphia 76ers ngayon. Ang susunod na laro ng Chicago ay sa Biyernes, ang kanilang home opener laban sa New York Knicks. … sa pagbabalik sa nakaraang season’s Eastern Conference semifinals, napagwagian ng Miami ang limang sunod na mga laro laban sa Bulls. … Si James ay may 31 puntos na kakulangan para sa 25,000 sa kanyang karera, kasama na rito ang isasagawang kampanya sa regular-season at playoff games. Siya ang magiging ika-28 player sa kasaysayan ng NBA na umentra sa nasabing milestone.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment