Wednesday, October 30, 2013

Bagong child protection policy, ilalabas ng DepEd

Ni Ina Hernando Malipot


Sinabi ng Department of Education (DepEd) noong Miyerkules na ilalabas nila ang bagong bersyon ng namamayaning Child Protection Policy (CPP) sa Enero 2014 upang matiyak na maprotektahan ang mga bata sa lahat ng uri ng karahasan mula sa mga nakatatanda, mga awtoridad at mga kapwa estudyante.



Sinabi ni DepEd Undersecretary for Legal and Legislative Affairs Alberto Muyot na kasalukuyang ina-update ng department ang kanyang makasaysayang CPC upang maisama ang mga kinakailangang requirement na nakasaad sa kamakailan ay nilagdaang Anti-Bullying Law and Amended Juvenile Justice and Welfare Act.


“What we’re doing right now is we’re updating the CPP because of the recently passed Anti-Bullying Law which covers provisions on bullying or violence committed by one child to another,” paliwanag ni Muyot.


Mayroong 90 araw ang DepEd para maglabas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Anti-Bullying Law na nilagdaan ni President Benigno Aquino III noong nakaraang Setyembre .


“But it doesn’t end there, we have to incorporate this to the existing CPP so we have to update it,” dagdag niya.


Bukod sa pagsasama ng mga kinakailangang requirement para sa Anti-Bullying Law, sinabi ni Muyot na ang revision ng existing CPP ay kabibilangan ng mga probisyon na nakabase sa Amendment of the Juvenile Justice and Welfare Act na nilagdaan din ni Aquino noong Oktubre 3.


“The Juvenile Justice and Welfare Council will come up with an IRR for this and we, at DepEd, will be also required to put in provisions in the CPP,” aniya.


Nauna nito, umapela ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa DepEd na ang ipinapatupad na CPP “must be clarified and put on the proper context.”


Sinabi ni TDC National Chairperson Benjo Basas na kahit ng “staunch supporter of children’s rights,” ang grupo kailangan pa ring linawin ng DepEd ang mga nakapaloob na probisyon sa CPP lalo na upang protektahan hindi lamang ang kapakanan ng mga estudyante kundi ng mga guro.


Nang tanungin kung magkakaroon ng karagdagang probisyon para sa proteksiyon ng mga guro sa revised CPP, sinabi ni Muyot na mayroon nang namamayaning probisyon sa CPP para sa kanila.


“Pero dahil bago, ‘yung iba hindi pa alam,” aniya.


Sa kasalukuyan ay nakatuon ang DepEd sa training of trainers (TOT) para sa mga rehiyon at nasakop na ang tatlong rehiyon kabilang ang Region 2, Cordillera Administrative Region (CAR), at Region IV-B (MIMAROPA).


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bagong child protection policy, ilalabas ng DepEd


No comments:

Post a Comment