Dumating ang ilang Pariseo at binalaan si Jesus: “Umalis ka rito at pumunta sa ibang lugar. Gusto kang ipapatay ni Herodes.” Sinabi naman ni Jesus: “Puntahan n’yo ang musang na ’yon at sabihin sa kanya: ‘Ngayon at bukas ay nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling at nasa ikatlong araw ang katapusan ko.’ Ngunit dapat akong maglakad ngayon, bukas, at sa susunod na araw sapagkat hindi bagay na mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta. Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang Mga Propeta at binabato ang mga sinugo sa iyo. Gaano kadalas kong ginustong tipunin ang iyong mga anak gaya ng pagyupyop ng inahin sa kanyang mga sisiw pero tumanggi ka nga. Ngayon, maiiwan sa inyo ang inyong bahay. Sinasabi ko nga sa inyo na hindi n’yo na ako makikita hanggang di sumasapit ang panahon na sabihin n’yong ‘Mapalad ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.’ ”
PAGSASADIWA
Hindi bagay na mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta.—Walang makapipigil kay Jesus sa pagsasakatuparan niya ng plano ng Diyos. Sa Jerusalem niya patutunayan ang kanyang katapatan sa Ama. Tutuparin niya ang kanyang misyong iaalay ang buhay niya para sa kaligtasan ng mundo. Daan pa nga ito para sa kanyang kaluwalhatian. Alam ni Jesus na hindi ang pagtakas ang solusyon sa katuparan ng kanyang Misyon. Ang tunay na paraan ay ang kanyang buong tapang at kababaang-loob na pagharap sa kanyang hirap at kamatayan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment