Ang Nobyembre ay “Filipino Values Month”. Layunin nito ang itaguyod ang mas malawak na kaalaman sa kaugaliang kakaiba at positibong Pilipino – pag-ibig sa Diyos at bansa, mahigpit na ugnayan ng pamilya, pagkalinga sa mga nakatatanda, pagkamasinop, pagtitimpi, katapatan, pagkamagiliw, bayanihan, bukas-palad, at may matibay na respeto sa sarili at dignidad.
Ang okasyon ay pagtalima sa Presidential Proclamation No. 479 na may petsang Oktubre 7, 1994. Ang mga aktibidad para sa selebrasyon ay kinabibilangan ng poster-making, slogan contests, fun run, lectures, paligsahan sa pagluluto at pagsayaw, at essay writing sa mga paaralan.
Ang kaugalian ay ugat ng mga tradisyon na mahalaga para sa mga Pilipino. Malalim na ikinintal ito sa kanila mula pagkamusmos at hindi nagbabago. Nagmumula ang kaugalian sa mga karanasan sa pakikipagkapwa, mula sa mga magulang, guro, kaibigan at kamag-aral.
Ang pamilya ang nangunguna sa pagkikintal ng kaugalian sa kabataang Pilipino, at ang tahanan ang lugar kugn saan nililinang at pinatitibay ang mga kaugalian. Pinatitibay din ng mga paaralan ang mga kaugalian sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga oportunidad para sa kabataan na isabuhay ang kaugaliang kanilang natutuhan sa paaralan at sa kainag pakikitungo sa kanilang mga kaibigan at mga superyor.
Binabati natin ang Department of Education sa pangunguna ni Bro. Armin A. Luistro, at ang Commission on Higher Education sa pamumuno ni Chairperson Dr. Patricia B. Licuanan, sa kanilang pagsisikap na ikintal ang kahalagahan ng kaugalian at kulturang subok na ng panahon kung kaya angat tayo bilang mamamayan ng Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment