Sinuspinde ang Uniform Vehicular Volume Reduction Program o number coding scheme sa buong Metro Manila epektibo simula kahapon hanggang Nobyembre 3, inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino.
Ayon kay Tolentino, ang pagsuspinde sa number coding ay bunga ng hiling ng maraming motorista na nais makabiyahe
patungo sa iba’t ibang probinsya sa pagdaraos ng Undas.
Noong Oktubre 25, nagpakalat ng mahigit 2,000 traffic enforcer ang MMDA para sa “Oplan Kaluluwa” upang magmando ng trapiko at gabayan ang mga biyahero at motorista na gagamit ng mga alternatibong ruta patungo sa sementeryo sa Metro Manila.
Nilinaw ng MMDA chief, ibabalik ang normal na implementasyon ng number coding sa Lunes, Nobyembre 4. – Bella Gamotea
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment