ISA si Miss Philippines Ariella Arida sa anim na Miss Universe 2013 contestants na napiling model para sa luxury car brand na Mercedes-Benz.
Kasama niya sa Mercedes-Benz TV Commercial sina Miss Russia Elmira Abdrazakova, Miss Austria Doris Hofmann, Miss Germany Anne-Julia Hagen, Miss Mexico Cynthia Duque at Miss Poland Paulina Krupinska.
Ipalalabas ang commercial sa Russian airways matapos ang Miss Universe pageant sa Moscow sa Nobyembre 9 hanggang sa katapusan ng taon.
Una nang rumampa si Arida kasama ang mga beauty queen ng Puerto Rico, Poland, Spain at Russia sa Mercedes-Benz Fashion Week.
Maaari namang iboto si Arida sa www.missuniverse.com para makapasok sa semi-finals.
The post Ariella Arida, napiling model ng Mercedes-Benz appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment