Wednesday, October 30, 2013

Madalas na gun ban pinag-aaralan ng DILG

BINABALANGKAS na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang posibilidad na madalas na pagpapatupad ng gun ban sa bansa.


Ang paghimay sa batas ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga lumalabag sa umiiral na gun ban sa panahon ng election period.


Ayon kay DILG Sec. Roxas, kung magiging madalas ang gun ban ay tiyak na mas maraming mahuhuling kriminal na numero unong violators.


Posible ring ito ang magiging susi sa problema hinggil sa loose firearms.


Paliwanag ni Roxas, karamihan sa mga violator ay mga kriminal dahil pakiramdam ng mga ito ay exempted na sila sa gun ban.


Batay sa pinakahuling datos ng Philippine National Police (PNP), nasa 688 indibidwal na ang naaresto na lumabag sa gun ban.


Paaalala ng PNP, nananatiling epektibo ang gun ban hanggang sa Nobyembre 12.


The post Madalas na gun ban pinag-aaralan ng DILG appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Madalas na gun ban pinag-aaralan ng DILG


No comments:

Post a Comment