Tuesday, October 29, 2013

Perlas Pilipinas, masusubukan kontra Malaysia

Ni Angie Oredo


Pilit na pananatiliin ng Perlas Pilipinas women’s basketball team ang pagkapit sa kinakailangang unang dalawang puwesto sa Level II sa pagsagupa nito ngayong gabi sa Malaysia sa pinakatampok na laban sa ginaganap na 25th FIBA Asia Championships for Women 2013 sa Bangkok, Thailand.



Habang isinusulat ito ay kasagupa ng Perlas Pilipinas ang kasalo nito sa liderato na karibal na host Thailand kung saan pinag-aagawan ng dalawang koponan ang ookupa sa una at ikalawang puwesto na tanging kinakailangan sa Level II para sa sasagupa sa huling dalawang puwesto sa Level I.


Huling tinalo ng Thailand ang Malaysia, 60-56, upang makisalo sa liderato sa Level II kasama ang Perlas Pilipinas na kapwa may malinis na kartada na dalawang sunod na panalo. Binigo naman ng RP Belles ang Uzbekistan, 62-55, tungo sa pagkapit sa liderato sa mas mataas nitong point differential.


Importante para sa Perlas Pilipinas ang huli nitong tatlong laro hindi lamang para sa asam nitong makatuntong sa Level 1 ng prestihiyosong torneo kundi pati na rin para patunayan sa mga opisayles ng bansa na nararapat itong makasama sa pambansang delegasyon na lalahok sa nalalapit na 27th Southeast Asian Games sa Myanmar.


Inaasahang mahihirapan ang mga Pinay matapos na sumikip ang labanan para sa oportunidad na umangat tungo sa Level I sa susunod na edisyon ng torneo matapos naman malasap ng Malaysia, na nabigo sa tatlong sunod na taon sa Level I Qualifyiing play-offs, ang una nitong kabiguan sa kamay ng host na Thailand.


Determinado din ang Thailand, na nabigong makaagaw ng silya dalawang taon na ang nakalipas sa ikas-24th FIBA Asia Championship for Women sa Omura, Japan, na makatuntong sa Level I, matapos ang mahabang panahon nito na paghihintay.


Puwersado ang ranked 58 na Pinay na magwagi kontra ranked 42 na Thais dahil hindi lamang nakataya ang asam nitong makaakyat sa Level I ng torneo kundi patunayan din na nararapat itong makasama sa pambansang delegasyon at kaya nitong magwagin ng gintong medalya sa nalalapit na Myanmar SEA Games.


Hindi pa nagwawagi ng gintong medalya sa SEA Games ang RP Belles kung kaya kahit na isinama ito sa listahan ng mga kasama sa delegasyon ng Pilipinas sa kada dalawang taong SEA Games ay maaari pa rin itong alisin kung mabibigong patunayan na kaya nitong maiuwi ang gintong medalya.


Nakataya sa 2013 FIBA Asia Championship for Women ang silya sa magiging representante ng FIBA Asia sa 2014 FIBA World Championship for Women sa Turkey sa 2015.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Perlas Pilipinas, masusubukan kontra Malaysia


No comments:

Post a Comment