Ang mga galaw ng manlalaro at matitinding recruitment ang nagmarka sa linggong ito patungo sa opening weekend ng Philippine Superliga Grand Prix 2013 sa Nobyembre 10 sa The Arena sa San Juan.
Iniulat na muling pinalagda ng Cignal si PSL Invitationals Most Valuable Player Venus Bernal ngunit mas nakaiskor si head coach Sammy Acaylar mula sa pangangalap nang makuha nito si Angelique Dionela, ang inaugural tournament’s best digger, mula sa Cagayan Valley.
Nahugot rin ni Acaylar sina Chee Saet at Maureen Penetrante-Ouano mula sa disbanded Bingo Milyonaryo, maliban sa pinalagda sina Danika Gendaruli at Michelle Datuin, na nagdala sa Cignal bilang napakalakas na puwersa para kamkamin ang Grand Prix trophy.
Ang Cignal ang runner-up sa PSL Invitational Tournament champion TMS-Army may tatlong buwan na ang nakalilipas.
Ngunit siniguro ni Army Lady Troopers coach Rico de Guzman na mananatiling malakas ang kanyang koponan para sa inaasam na back-to-back titles nang mapalagda naman ang ilang veteran players, kasama na sina Tina Salak, Joanne Bunag, Theresa Iratay, Jovelyn Gonzaga at Carolino sisters na sina Michelle at Mayette.
Ginamit rin ng Cagayan Valley, ibinigay sa mga paborito ang malaking balakid nang simulan ang Invitationals na may matinding kampanya ngunit ‘di kalaunan ay pumuwesto sa ikaapat bagamat nakipagsabayan ng matindi sa closing games, ang mahabang bakasyon upang mapalakas ang kanilang roster.
Nakuha ni Cagayan Valley’s veteran coach Ness Pamilar si Angelica Tabaquero na mula sa Petron, Pau Soriano at Aiza Maizo na mula sa PLDT, at Joy Benito at Wenneth Eulalio.
Napasakamay ni Petron coach Vilet Ponce-de Leon sina Stephanie Mercado at Mic-Mic Laborte na mula sa Puffins, maliban sa pagpapapirma kina Melissa Gohing, Kara Acevedo, Karla Bello at Gretchen Ho.
Sinabi ni coach Roger Gorayeb na balewala sa kanya na mawala sa kanilang hanay sina Soriano at Maizo sa Cagayan Valley kung saan ay nakuha niya ang serbisyo nina veterans Lislee Ann Pantone, Sue Roces, Angelica Benting, Lou Ann Latigay, Cha Soriano at Nica Guliman sa PLDT.
Kumpiyansa naman ang bagong Air Asia Zest coach Ronald Dulay sa kanyang koponan na batid niya na magpapakita ng angking lakas sa laban, kabibilangan nina Michico Castaneda, Ivy Remulla, Rhea Dimaculangan, Wendy Semana at Maika Ortiz.
Ang lahat ng anim na koponan ay kabibilangan rin ng international players, ayon kay PSL President Ramon “Tats” Suzara, kinumpirma ang mga manlalaro na mula sa United States, China, Japan at Thailand na pawang may eksperiyensa sa paglalaro sa FIVB (International Volleyball Federation) tournaments.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment