Thursday, October 31, 2013

DOH, nagbabala vs pagbili ng pagkain sa mga sementeryo

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa pagbili ng mga pagkaing ibinibenta sa mga sementeryo.


Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, posibleng ang mga pagkaing itinitinda sa mga sementeryo ay mapanganib dahil sa mga ganitong lugar ay madaling makontamina ang mga pagkain, at maging sanhi pa ng food poisoning at diarrhea.



Kabilang sa mga pagkain na malimit aniyang ipinagbibili sa mga kalsada ay ang mga pansit, spaghetti, mangga, cassava, mga palamig, isaw, mais, itlog at iba pa.


Pinayuhan pa ni Ona ang publiko na mas makabubuting magbaon na lamang ng sariling pagkain upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.


Dapat din aniyang magbitbit ng maraming tubig at payong o sumbrero bilang proteksiyon sakaling maging napakainit ng panahon sa Undas.


Mas mabuti rin aniyang iwasan ang pagbabaon ng mga pagkaing madaling mapanis.


Payo pa ni Ona, huwag nang magsama ng mga sanggol at maliliit pang bata sa sementeryo dahil madaling dapuan ng mga sakit at iba pang impeksiyon ang mga ito dahil sa kanilang low resistance.


Samantala, umapela si Ona sa bus operators at iba pang transport owners na magpakalat ng mas maraming bus na maghahatid sa mga tao sa mga lalawigan.


Babala pa ni Ona, ang mga diplanadong biyahe, overcrowding ng mga pampasaherong bus o kahit ng mga pribadong sasakyan, ay madalas na siyang sanhi ng mga aksidente. –Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



DOH, nagbabala vs pagbili ng pagkain sa mga sementeryo


No comments:

Post a Comment