Kung tama ang listahan ng Top 500 taxpayers for 2012 na inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kasama dapat si dating Senador Manny Villar bilang ikalawang pinakamalaking ibinayad na buwis sa gobyerno.
Nagbayad si Villar para sa kanyang income tax return (ITR) para sa 2012 ng P72.2 milyon bilang income tax, base sa taxable income na P376.5 milyon na kanyang kinita sa pagbebenta ng stocks mula sa Vista Land & Lifescapes at Starmalls Inc., at pagbili ng lupain.
Nagbayad din si Villar, na nagtapos ng kanyang ikalawang termino sa Senado noong Hunyo 30, ng P72,950.00 bilang income tax mula sa kanyang sahod na P420,000.00 bilang mambabatas.
Dapat aniyang confi dential ang ITR ni Villar subalit ito ay kanyang inilantad sa mga mamamahayag bilang reaksiyon sa newspaper advertisement na ipinalabas ng BIR.
Nakasaad sa anunsiyo na 15 mula sa 40 pinakamayayamang Pinoy na nakalista sa Forbes Magazine para sa 2012 ay hindi lumitaw sa listahan ng top 500 tax payers ng BIR.
Sa mga nakaraang taon, ipinaliwanag ng BIR na hindi lahat ng mayamang indibidwal ang naisasama sa top taxpayers list dahil ang listahan ay base sa regular income tax na binayaran ng mga ito.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment