Thursday, October 31, 2013

Calayag, pinanindigan ng Malacañang

Ni Madel Sabater – Namit


Sinabi ng Malacañang noong Miyerkules na kwalipikado si National Food Authority (NFA) administrator Orlan Calayag sa

kanyang kasalukuyang puwesto sa gobyerno.


Ito ay pagkatapos ng review and verification process ng Palasyo sa mga isyu kaugnay sa appointment ni Calayag.



Lumabas sa mga naunang ulat na si Calayag diumano ay isang American citizen at hindi binatikos sa paghawak ng posisyon sa giobyerno.


Gayunman, sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. na naabot ni Calayag ang lahat ng requirement para hawakan ang puwesto sa NFA.


“Based on an assessment of the documents provided by Mr. Orlan Calayag, he has met all the qualifications necessary to hold his current position,” sabi ni Ochoa.


Naunang iginiit ng Palasyo na ang lahat ng Presidential appointees ay sumailalim sa screening process bago itinalaga.


Unang itinalaga si Calayag noong Enero 17, 2013, para pagsilbihan ang hindi natapos na termino ni NFA administrator Angelito Banayo, na nagbitiw sa puwesto para tumakbo sa Kongreso sa Agusan del Norte noong May 2013 elections.


Nagtapos ang termino ni Banayo noong Hunyo 30, 2013. Muli namang itinalaga si Calayag, bilang NFA administrator noong Hulyo 12, 2013.


Si Calayag ay dating chief of staff ni Agriculture Secretary Proceso Alcala nang ang huli ay Congressman ng lalawigan ng Quezon.


Ang NFA administrator ay licensed mortgage consultant sa Metropolitan Mortgage group sa Washington, USA, at naging loan officer at consultant ng Bank of America bago ang kanyang appointment sa NFA.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Calayag, pinanindigan ng Malacañang


No comments:

Post a Comment