LALONG lumalakas ang bagyong Vinta dahilan para itaas na sa signal No. 3 ang Cagayan at Apayao, habang nakaambang mag-landfall o tumama ang sentro nito sa Northern Luzon mamayang hapon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahan na mamayang hapon ay tatama na ang sentro ng bagyo sa Cagayan.
Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 105 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 135 kilometro bawat oras.
Umuusad ang bagyo sa bilis na 26 na kilometro bawat oras sa direksyon ng pakanluran.
Sa ngayon nakataas na ang signal number 3 sa Cagayan at Apayao.
Habang signal number two naman sa Calayan Group of Island, Babuyan Group of Island, Isabela, Kalinga, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra at Mt. Province.
Signal number one naman ang umiiral sa La Union, Pangasinan, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Quirino, Aurora at Batanes Group of Islands.
Dahil dito binalaan ng PAGASA ang mga residente sa mga lugar.
The post Bagyong Vinta lumalakas, Cagayan at Apayao signal No. 3 na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment