Tuesday, October 1, 2013

Magsasaka, napatay ng alagang buffalo

Ni Danny J. Estacio


ATIMONAN, Quezon – Pinaniniwalaan ng pulisya na ang alagang buffalo ang nakapatay sa isang magsasaka, na natagpuang walang saplot sa katawan, kamakalawa ng umaga sa pagitan ng mga barangay ng Rizal at Sokol sa bayang ito.


Kinilala sa ulat ng pulisya ang biktimang si Arturo M. Ceroriales, 57, ng Barangay Tinandog, Atimonan.



Ayon sa ulat, dakong 9:00 ng umaga nang matagpuan ang hubad at wala nang buhay na si Ceroriales na maraming sugat sa katawan, na pinaniniwalaang dulot ng sungay ng buffalo.


May hinala ang pulisya na posibleng nagwala ang hayop at hindi na kinayang kontrolin ng biktima, kaya ito ang pinagbalingan.


Ayon sa anak ni Ceroriales na si Ronaldo, nagtungo ang kanyang ama sa bukod kasama ang buffalo para ipastol ilang oras bago natagpuang patay ang una.


Narekober ng pulisya ang gamit ni Ceroriales na jungle bolo, damit at relo.


Tanging mga bakas na lamang ng buffalo ang nakita sa bukid.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Magsasaka, napatay ng alagang buffalo


No comments:

Post a Comment