Tuesday, October 1, 2013

Lucy, malaki ang tiwala kay PNoy

Lucy Torres-Gomez


Ni Reggee Bonoan


ISA si Cong. Lucy Torres sa naging paboritong tanungin ng entertainment press sa presscon ng Showbiz Police sa Reliance Studio, Mandaluyong City tungkol sa pork barrel scam.


“Ang stand ko sa PDAF, oo, ano talaga, naabuso siya. And I believe na dapat talagang imbestigahan. Dapat talaga accountable.



“As public servant, you’re accountable. Pero on the issue whether i-abolish ba or not, ang personal stand ko is sana huwag ma-abolish.


“Ang PDAF is a way for us representatives to address the needs of our constituents on a level na hindi kaya ng gobyerno.


“Ang PDAF, ginagamit namin sa hospital, for scholarship. Kung merong nangangailangan ng scholarship or medical assistance, hindi naman siya puwedeng dumayo rito sa MalacaƱang at sabihang, ‘tulungan mo ‘ko’.


“Yun ang role ng representative, at ‘yun talaga ang function ng PDAF.


“Now, has it been abused? Yes, it’s been abused. Obvious naman, e.


“Obvious naman na may kakulangan talaga. Obvious din na may lapse ang COA. (Commission on Audit).


“Kasi, bakit umabot nang ganito kalaki na hindi na-check? So, dapat talaga makorek ‘yun.


“Pero, kung tatanungin n’yo ang stand ko — kunwari kotse, merong mga barumbadong driver, hindi ibig sabihin na ban na lahat ng kotse, di ba?


“So, we are in a process na nililinis ‘yung sistema.


“At meron tayong presidente na gustong maayos ang proseso and, for now, he has decided na i-abolish ang PDAF. So, siguro naman para umabot siya sa desisyon na ‘yan, napag-isipan ‘yun.


“Hindi ‘yun desisyon na sinabi lang, ‘Para mawala na ang gulo, i-abolish natin.’ I’m sure the president has thought about it, and decided na it’s the best thing to do.


“As his party-mate and as somebody who really believes in the president, susunod tayo kung ano ang utos ng pangulo,” paliwanag ng TV host.


Bilang legislator, ano ang pagkakakilala ni Lucy kay Sen. Jinggoy Estrada . Slast episode ng kanilang show ay ininterbyu ni ‘Nay Cristy Fermin ang anak na panganay na si San Juan Councilor Janella Ejercito Estrada.


Mabait at mabuting tao raw si Sen. Jinggoy Estrada na nahingan niya ng pampatayo ng limang silid-paaralan sa eskuwelahan sa Leyte na hindi nanghingi ng anumang kapalit.


Tungkol naman sa privilege speech ni Sen. Jinggoy, “We have our own (interpretation), iba-iba kasi ang interpretasyon ng tao. Hindi ko rin nakita ang kabuuan ng privilege speech niya, because budget deliberation kasi kami sa Congress.


“It’s hard to give a comment kapag hindi mo nakita. Kasi, iba ang opinyon mo. Iba rin ang opinyon ng mga nakakita. But I stand with what I said kanina. Sa pagkakilala ko kay Senator Jinggoy, maayos siya na tao,” paliwanag ni Lucy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Lucy, malaki ang tiwala kay PNoy


No comments:

Post a Comment