Ni Reggee Bonoan
“MAHIRAP pala talagang kausap, mukhang may problema nga, parating galit at ayaw sumunod sa regulasyon.”
Ito ang kuwento ng isang spa house manager tungkol kay Claudine Barretto.
Kuwento ng aming kaibigan na madalas pumunta sa isang spa parlor sa may Timog, Quezon City ay kaibigan niya ang manager nito na naghinga ng sarna ng loob sa kanya dahil sumasakit na raw ang ulo nito sa aktres.
“Hindi na malaman ng manager kung anong klaseng pakiusap ang gaga win kay Claudine kasi lumalabag na siya sa regulasyon.
“May free food kasi, di ba, at dapat sa dining area ka kumain, ayaw ni Claudine, inuutusan niya ‘yung yaya niyang dalhin ang pagkain sa mismong masahehan, eh, bawal ‘yun.
“Sa ilang beses na pagpunta ni Claudine sa spa, ganu’n din beses siyang nagmamatigas, pinagsabihan siyang bawal kumain doon kasi siyempre hindi naman niya solo ‘yung lugar, at hindi naman dining area’ yun.
“Tapos ‘yung yaya, nakatayo all throughout at dala ang food, pinauupo ng staff ng spa, sabi raw ni Claudine, ‘No, ganyan lang siya, nakatayo.’
“Sabi ni Claudine, ‘Ayaw ko kumain doon (dining area), gusto ko dito at nagbabayad ako kaya may right ako kung saan ko gustong kumain’, ” sumbong daw ng manager sa kaibigan namin.
Pinalalampas na lang dawng spa house manager ang aktres dahil nga nagagalit at sumisigaw kaya naiistorbo ang ibang
customers. Kaya naman iniakyat na sa may-ari ng spa ang problemang ito para malaman kung ano ang gagawin kapag muling bumalik sa spa house si Claudine.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment