Monday, October 28, 2013

Leila: ‘Di namin mapipigilan ang pag-alis ni Jinggoy

Aminado si Department of Justice (DoJ) Leila De Lima na walang legal na basehan upang pigilan nila ang pag-alis sa bansa ni Sen. Jinggoy Estrada, na nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa P10 billion pork barrel scam.


Ito ay sa kabila ng kahilingan ng DoJ sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang pasaporte ng mambabatas.



Giit ni Estrada na nais niyang magtungo sa Amerika upang samahan ang kanyang maybahay na si Precy na magpapatingin sa doktor dahil sa nadiskubreng bukol sa dibdib nito.


Dahil sa kawalan ng hold departure order mula sa korte, sinabi ni De Lima na maaari pa ring magtungo si Jinggoy sa US ngayong linggo.


“There being no action yet by the Department of Foreign Affairs on our request for passport cancellation, I see no impediment for Sen. Jinggoy’s announced trip,” sinabi ni De Lima sa pamamagitan ng text message. – Leonardo D. Postrado


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Leila: ‘Di namin mapipigilan ang pag-alis ni Jinggoy


No comments:

Post a Comment