Saturday, September 6, 2014

Tricycle sinuwag ng kotse, 6 patay, 2 sugatan

ANIM ang nalagas habang dalawa ang malubhang nasugatan nang suwagin ng isang kotse ang kanilang sinasakyang tricycle sa Tuguegarao City nitong nakaraang Biyernes ng gabi, Setyembre 6.


Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang tricycle driver na si James Calimag, 25, mga pasaherong sina Apple Pagalilauan, 19, at Reyniemar Maribbay 19.


Namatay naman habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang iba pang biktima na sina Jenmar Soriano, 26, Diamond Nicole Talang 22, at Lorena Baquiran, pawang mga residente ng Penablanca, Cagayan.


Nagpapagaling naman ospital ngayon ang mga nasugatan na sina Jessa May Tumanguil, 18, at Mark Jezril Como na kapwa rin ng bayan ng Penablanca.


Dahil itinakbo din ng ospital sanhi ng tinamong pinsala sa katawan, nakuwelyuhan naman agad at sasampahan ng patong-patong na kaso ang suspek na si Resty Pillos, 34, negosyante, ng Bgy. Caritan Centro, Tuguegarao City.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:15 nitong Biyernes ng gabi sa isang bisinidad ng national highway sa Tuguegarao City.


Bago ito, papunta ang tricycle na minamaneho ni Calimag sa bayang nabanggit para ihatid ang kanyang anim na pasahero.


Pagsapit sa Larion Bajo sa Tuguegarao City, tinangkang unahan ni Pillos ang isang motorsiklo pero hindi nito napansin na mababangga niya ang naturang tricycle.


Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang tricycle sa palayan na humantong sa pagkamatay ng anim at pagkakasugat naman ng dalawa na sakay nito. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Tricycle sinuwag ng kotse, 6 patay, 2 sugatan


No comments:

Post a Comment