PATAY na nang abutan ng mga awtoridad ang isang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila kaninang madaling-araw.
Sa ulat, patuloy pang kinikilala ang mga biktimang nakilala lamang sa mga pangalang Rolando at Nina Batoto na kalahating taon pa lamang nangungupahan sa bahagi ng Geronimo St. kanto ng G. Tuason.
Sinasabi ring empleyado umano sa isang law firm ang lalaking biktima.
Nabatid na pasado ala-una ng madaling-araw nang puwersahing buksan ng isang lalaki ang pintuan ng bahay ng mga biktima na sinundan ng tatlong putok at sigaw ng babae.
Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang puting kotse.
Samantala, buhay naman umano ang anim na taong gulang na anak ng mga biktima na naiwang natutulog pa rin sa kuwarto ng bahay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment