Tuesday, September 30, 2014

1.2M OSY, target tulungan ng DepEd sa 2016

PINUPUNTIRYAna ng Department of Education (DepEd) ang 1.2-milyong out of school youth sa bansa para tulungan sa susunod 2016.


Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, balak nilang magkaroon ng Zero-OSY ang bansa sa susunod na dalawang taon.


Dahil dito, inilunsad ng DepEd at National Youth Commission (NYC) ang Abot-Alam program sa buong bansa.


Layunin umano ng programa na matukoy ang lahat ng OSY sa bansa at mai-enroll ang mga ito sa program intervention sa edukasyon, pagnenegosyo at trabaho depende sa kakayahan ng mga kabataang may edad na 15 – 30-anyos.


Sa ngayon, nasa 76,000 na ang naka-enroll sa Alternative Learning System (ALS) program, Alternative Delivery Mode (ADM), at kasalukuyang sumasailalim na sa skills training, o ‘di kaya’y nabigyan na ng trabaho. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



1.2M OSY, target tulungan ng DepEd sa 2016


No comments:

Post a Comment