Monday, September 29, 2014

Kambal, magkahiwalay na isinilang sa Albay

MAGKAHIWALAY na iniluwal ng isang ginang ang kanyang kambal na anak sa Albay evacuation center at sa isang ospital sa Legazpi City kaninang madaling-araw, Setyembre 30.


Sinabi ni Jade Ortega, volunteer nurse sa Public Health Office ng Albay, dakong 2:15 ng Martes ng madaling-araw nang nalaman nilang may nanganganak na nagngangalang Veronica Bongayon, 30, sa may evacuation center sa California Village Housing Project, sa Bgy. Kawa-Kawa.


Nang isakay nila ang mag-ina sa ambulansya para dalhin sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital, napansin ni Ortega na malaki pa rin ang tiyan ng ginang.


Nang kapain nito ay natuklasang may isa pang sanggol sa loob ng tiyan nito.


Pagdating sa ospital, diniretso agad sa emergency room ang naturang ginang at ilang sandali lamang ay nailuwal na rin nito ang kanyang pangalawang anak.


Ayon kay Ortega, tumitimbang ng 2 kg. ang unang sanggol habang 1.8 kg. naman ang kakambal nito.


Nasa mabuting kalagayan na ang mag-iina sa ngayon. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Kambal, magkahiwalay na isinilang sa Albay


No comments:

Post a Comment