Monday, September 29, 2014

Kelot binolo ng kainuman, kritikal

NASA malubhang lagay ang isang lalaki matapos pagtatagain sa Perez, Quezon.


Kinilala ang biktima na si Alfredo Aquino, 49, ng Bgy. Pagkakaisa ng nasabing lugar.


Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman umano ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan nang biglang lumapit sa kanila ang suspek na si Cristopher Verzo, 39, at nagkaroon umano ng pagtatalo.


Napag-alamanng umuwi ang suspek at nang pagbalik ay may dala ng bolo saka pinagtataga ang biktima.


Agad namang isinugod sa Alabat District Hospital ang biktima para lapatan ng lunas.


Samantala, agad namang naaresto ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa Perez Municipal Police Station. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot binolo ng kainuman, kritikal


No comments:

Post a Comment