Tuesday, September 30, 2014

Phelps, arestado sa pagmamaneho nang lasing

ARESTADO ang Olympic swimming champion na si Michael Phelps matapos maaktuhang nagmamaneho nang lasing.


Sa ulat, hinabol ng awtoridad si Phelps nang makitang lagpas sa speed limit ang pagpapatakbo nito ng sasakyan sa Fort McHenry Tunnel sa Baltimore.


Sinabi ng Maryland Transportation Authority, bandang ala-1:40 ng madaling-araw nang maaktuhan ang Olympic swimmer sa bilis na 135 kph sa loob ng 72 kph zone.


Agad na isinailalim si Phelps sa booking process ngunit pinakawalan din.


Ang Olympic star ay matatandaang gumawa ng kasaysayan sa larangan ng palakasan matapos mabigyan ng 22 medals sa pandaigdigang palaro. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Phelps, arestado sa pagmamaneho nang lasing


No comments:

Post a Comment