Tuesday, September 30, 2014

Lahat ay talaga namang pagkataba-taba!

HANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa ang nakaraang show ng Bench, ang The Naked Truth kung saan nahulog sa stage si James Reid. Hindi sinasadya ang kanyang pagkahulog at aksidente talaga ang nangyari. Kundi ba naman katangahan kasi, sukat ba namang magsuot ng dark shade sa gabi na wala namang sikat ng araw. Natatawang pang-uuyam ng friend naming badash na si Rey Lampara, ang baklang bumubuga ng apoy tuwing may raket sa peryahan.


Kaya raw pala bigla itong nawala saglit doon sa madilim na sulok ng stage ay bumulusok na pala ito. At take note, madali siyang nakasampa pabalik sa stage.


‘Yan kasi ang hihilig pumorma na naka-shade. Hindi lamang patungkol ito kay James Reid na maporma sa kanyang shades kundi sa iba pang mga artista na karamiha’y makikita mo sila sa TV na naka-shades.


Akala siguro nila maganda silang tingnan say pa ni Rey, ang baklang reyna ng perya.


Oo nga naman. Ang sagwang tingnan parang nagtatago ng sore eyes. Chos!


=0=


Na-shock naman si Bambi Arevalo, ang magaling ding hairdresser ni Ana Capri nang mapanood niya si Geoff Eigenmann, unang rumampa sa Cosmo Bachelor 69 Centerfold ng Cosmopolitan magazine na pagkataba-taba na parang walking ref.


Ang akala raw nitong si Bambi ay pinaghandaan ni Geoff ang okasyon na ito at sinasabi pang malimit ang pagdyi-gym niya sabay diet. Aba’y lalo lang itong lumobo sa tingin ng aming amiga. Subalit hindi maikakaila na bakat na bakat sa suot niyang underwear ang helmet nito. Ke grande at naniniwala si Bambi na it runs in the family na nagtataglay ng malalaking nota.


Hindi shelved ang pelikulang Cain at Abel tulad ng sinasabi ng iba na hindi na raw ito tuloy dahil sa pag-backout ng isa pang bida na si Aljur Abrenica. Tuloy na tuloy po at marami ng mga eksena ang nakunan na ni Alden Richards. Ang ipinalit kay Aljur ay si Mark Herras.


Sabi ng katoto namin na hindi naman daw kawalan si Aljur sa pelikula dahil mas may ibubuga raw ito sa pagpapa-sexy hindi nga lang kasingganda ng katawan ni Aljur.


Anytime this week daw ay kukunan na magka-eksena ang dalawa at ang mga eksena ni Mark na kanya lamang dahil halos tapos na ang mga eksana ng kay Alden. Inuna raw ito dahil sa kanyang bagong serye na Ilustrado at bukod doon meron pa siyang isa pang TV show na co-host siya ni Regine Velasquez. Haay! milya-milya na ang narating nitong dating Lakan ng Laguna. Ang sipag kasi at mahusay makisama sa kanyang mga katrabaho at walang reklamo kaya lalong sinusuwerte. Ciao, Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Lahat ay talaga namang pagkataba-taba!


No comments:

Post a Comment