ISANG high school student sa Bacolod City, ang panibagong biktima ng hazing rites.
Kaninang umaga, Setyembre 7 lamang lumabas ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ng biktimang si Kurt Inventor, 15, at nalamang sanhi ng hazing initiation rites ang ikinamatay nito.
Si Inventor na third year student ng Abraska National High school sa Bgy. Mandalagan, Bacolod City ay nakitaan ng mga pasa sa magkabilang binti. Nakitaan din ito ng mga paso ng sigarilyo sa dalawang paa, bali sa kanang balikat at mga saksak ng icepick sa puwit nito na isang palatandaan ng initiation rites ng fraternity.
Ayon sa lolo nito na si Kenneth Inventor, nitong nakaraan Sabado nang isinugod niya ang kanyang apo sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital dahil sa pagsusuka ng dugo na kulay itim na.
Pero hindi na ito naisalba pa dahil nitong nakaraang Lunes ng hapon lamang ay binawian na ito ng buhay.
Idinulog na ni Kenneth sa pulisya ang pagkamatay ng kanyang apo para panagutin ang fraternity na nasa likod ng initiation rites at para na rin makamit ang hustisya sa maagang pagpanaw ng kanyang mahal sa buhay. Robert Ticzon
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment