Monday, September 29, 2014

3 suspek sa NAIA bombing kinasuhan na

KINASUHAN na sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang tatlong suspek sa pagpapasabog sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.


Sa 10-pahinang resolusyon ni Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes, ipinakakasa ni Prosecutor General Claro Arellano kaso laban kina Grandeur Pepito Guerrero, Emmanuel San Pedro at Sonny Yohanon.


Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong paglabag sa Section 3 ng Presidential Decree 1866 na inamyendahan ng Republic Act 9516 o Illegal Possession of Incendiary Device ang tatlo at walang inirekomendang piyansa sa mga ito.


Ibinasura naman ng DOJ ang kasong illegal possession of firearms sa nasamsam na .38 calibre revolver, dahil sa pagkabigo ng National Bureau of Investigation (NBI) na magsumite ng certification na ito’y hindi lisensyado o hindi maaaring dalhin ng respondents.


Setyembre 1 nang masabat ng NBI-Anti-Organized and Transnational Crime Division ang Toyota Revo na naglalaman ng molotov bomb sa parking lot ng NAIA. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



3 suspek sa NAIA bombing kinasuhan na


No comments:

Post a Comment