UMEENTRA na naman sa Philippine area of responsibilitay (PAR) ang isang sama ng panahon.
Ayon kay PAGASA forecaster Gener Quitlong, isa na itong tropical depression o mahinang bagyo mula pa noong weekend.
Sa kasalukuyan ay nasa gitna pa umano ito ng dagat kaya malaki ang tyansang lumakas.
Gayunman, hindi pa mabatid ng PAGASA kung aling bahagi ng bansa ang maaapektuhan ng bagyo.
Kung papasok sa PAR, bibigyan ito ng local name na Neneng. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment