Monday, September 29, 2014

Rollback sa petrolyo ipinatupad ngayong Martes

DAGDAG-BAWAS sa mga produktong petrolyo ang sumalubong ngayong Martes, Setyembre 30.


Ayon sa ulat, alas-12:01 ng madaling-araw unang nag-rollback ang Shell at Petron ng P0.20 kada litro sa diesel at P0.10 kada litro sa gasolina at kerosene.


Sa parehong oras, tapyas sa parehong halaga ang ipinatupad ng PTT Philippines sa diesel at gasolina.


Sunod namang nag-rollback ang Phoenix Petroleum, alas-6:00 ng umaga. P0.20 kada litro rin ang ini-rollback nito sa diesel habang P0.10 kada litro sa gasolina.


Ang dagdag-bawas sa produktong petrolyo ay ayon sa dikta ng world market. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Rollback sa petrolyo ipinatupad ngayong Martes


No comments:

Post a Comment