NAG-USAP nang masinsinan sina Pangulong Benigno Aquino III at Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima makaraang bumalik na ng bansa ang huli mula sa isang ‘official mission’ sa Bogota, Colombia.
Si Gen. Purisima ay nahaharap sa mga kasong plunder, graft at indirect bribery na isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Tanggapan ng Ombudsman.
Ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., wala siyang pagkakataong makausap ang Pangulong Aquino upang tanungin ang napag-usapan ng dalawa.
Dumalo kanina sa Senate hearing si Purisima para sa PNP modernization program.
Sa kabilang dako, kahit kunulapol ng intriga at kontrobersya ngayon si Purisima ay hindi naman nakikita ni Sec. Coloma na kailangan na nitong magbitiw sa puwesto.
“Sa ating sistema ng batas meron po tayong sinusunod na mga proseso. Hindi naman yata makatwiran na humantong sa mga konklusyon na ang resulta ay ‘yung pagkakaroon ng bahid o alinlangan sa integridad o katauhan ng isang public official na nakabatay lamang sa mga paratang,” anito.
Bahala na aniya ang Pangulong Aquino kung sisibakin nito si Gen. Purisima gayong batid naman ng lahat na malapit sa isa’t isa sina Pangulong Aquino at Gen. Purisima.
Si Gen. Purisima ay nasa hot seat ngayon dahil na rin sa kuwestyonableng yaman nito. KRIS JOSE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment