ISASALBA ni Rocco Nacino ang kanyang naghihingalong ama, at isang ibon lamang ang tanging makapagsasalba rito.
Ang kwentong ito ay mapanonood sa “Ibong Adarna” na palabas na ngayon sa mga sinehan sa buong bansa. Si Rocco ay gaganap bilang Prinsepe Sigasig sa pelikulang ito na ililigtas ang kanyang amang Sultan (Joel Torre). Kailangan pakantahin sa harapan ng kanyang tatay ang ibong ito para makaligtas ito sa kamatayan.
Sa paghahanap ng ibong ito, sari-saring pakikipagsapalaran ang mararanasan ni Rocco, at dito ay masasaksihan ng manonood kung paanong ang isang Pinoy film ay makagagawa ng higanteng ibon at iba’t ibang uri ng nilalang na parang totoong-totoo dahil ito sa paggamit ng Computer Graphic Imaging (CGI).
“Halos six months namin ginawa ‘yung Haribon, ‘yung mga nuno sa punso. ‘Yung iba kailangan pa naming i-transform ‘yung itsura,” ani direk Jun Urbano.
Ang makabagong Ibong Adarna ay nakatanggap ng endorsement mula sa Department of Education (DepEd) and the National Commission for Culture and the Arts at iikot ito sa schools and universities around the country bago magtapos ang taon.
Kasama rin sa casts sina Angel Aquino, Leo Martinez, Lilia Cuntapay, Pat Fernandez at marami pang iba. Produced by Gurion Entertainment ang “Ibong Adarna: The Pinoy Adventure”.
***
MAXENE MAGALONA MAGBABALIK SA KAPAMILYA
Pinost ni Maxene Magalona sa kanyang Instagram account na siya’y magbabalik sa ABS-CBN. Labis ang kanyang pasasalamat sa Kapamilya network dahil daw sa magandang pangtanggap sa kanyang pagbabalik pagkatapos nang 21-years nang naging parte siya ng Ang TV.
Sigurado ang magiging career ni Maxene sa ABS. Pero sana ay maghinay-hinay muna siya sa pakikipag-boyfriend at tutukan ang trabaho. Eh, sana rin hindi na siya makitang lasing na lasing habang nasa baybayin ng Boracay.
***
AKTOR/POLITIKO MAGMEMERYENDA LANG SANGKATERBANG BODYGUARDS ANG KASAMA
May kinakatakutan yata itong si morenong aktor-politiko kaya ingat na ingat sa kanyang mga lakad. Kahit saan magpunta ay sangkaterbang bodyguards ang kasama.
Ultimo sa pagkakape o meryenda lang ay bitbit pa ang mga tauhan. Maging sa pagdalaw daw sa chicks nito ay may mga asungot pa ring nakabuntot sa kanya. Hindi ba naiilang ang babae sa mga bangaw na nakapaligid sa kanya?
Ayon naman sa kanyang baklitang tagasuporta, nag-iingat lang daw ang aktor dahil pangarap pa nitong mamuno sa kanilang probinsya. Mainit daw kasi ang politika sa kanila at ordinaryo na lamang ang patayan lalo na kapag dumarating ang eleksyon.
Ang tanong, saan kumukuha ng pangsahod para sa sandamakmak na alalay ang bida natin? Baka doon sa mga voucher na walang amount na pinapipirmahan niya sa mga humihingi ng tulong at mga mamamahayag na winiwisikan niya?
***
UNANG “MMK” NI JUAN KARLOS, WAGI SA PUSO NG TV VIEWERS AT NETIZENS
Pinakapinanood na programa noong weekend (Sabado at Linggo) ang kauna-unahang “Maalaala Mo Kaya” episode ng “The Voice Kids” 2nd runner-up na si Juan Karlos “JK” Labajo.
Ang episode na nagtampok sa kwentong buhay ni JK noong Sabado (Setyembre 27) ay pumalo ng national TV rating na 30.7% ayon sa datos mula sa Kantar Media. Lamang ito ng 11 puntos kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na “Magpakailanman” na nakakuha lamang ng 19.5%.
Bukod sa ratings, namayagpag rin sa Twitter ang unang “MMK” ni JK kung saan ginampanan niya ang kanyang sarili. Naging isa sa worldwide trending topics noong Sabado ang official hashtag ng programa ba #MMKJuanKarlos matapos bumuhos ang tweets ng netizens sa nakakabilib na life story 13-taong gulang na singing heartthrob na hindi kailanman bumitaw sa kanyang pangarap na maging singer sa kabila ng kawalan ng buong pamilya at pagpanaw ng ina ilang araw bago ang kanyang audition sa “The Voice Kids.”
Samantala, patuloy na magbabahagi ng inspirasyon ang “MMK” sa episode nito ngayong Sabado (Oktubre 4) na magtatampok sa buhay ni Joshua (gagampanan nina Louise Abuel at Benjamin de Guzman) na umalis ng Antique sa edad na anim taglay ang pangarap na magkaroon ng mabuting buhay. Ngunit matapos malungkot sa ilalim ng pangangalaga ng istriktong tiya, lumayas si Joshua at piniling mabuhay mag-isa. Mula noon, naranasan niya ang lupit nang mamuhay sa mga kalye sa Antipolo.
Paano nagawa ni Joshua na maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng kahirapan?
Bahagi rin ng upcoming episode sina Aiko Melendez, John Arcilla, Odette Khan, Shamaine Centenera, Glenda Garcia, Boboy Garovillo, Jed Montero, Emman Vera, Marithez Samson, Kyle Banzon, Gerald Pesigan, Winryll Banaag, John Vincent Servilla at Brace Arquiza.
Ito’y sa ilalim ng direksyon ni Nick Olanka at panulat ni Joan Habana. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment