Monday, September 29, 2014

SRP sa baboy at chicken, kinatigan ng Palasyo

PINAWI ng MalacaƱang ang pangamba ng mga nagtitinda ng karne kasunod ng abiso ng Department of Agriculture (DA) na papatawan ng suggested retail price (SRP) ang presyo ng manok at baboy.


Una nang sinabi ng mga nagtitinda ng karne na hindi nila kakayanin ang itinakdang SRP dahil malulugi na sila.


Sa pinagkasunduan ng DA at stakeholders, ipapako sa P135 ang presyo ng manok at P175 – P185 ang kada kilo ng baboy.


Umiiral ang presyo ng manok mula P150 – P160 at ang baboy mula P190 – P220 kada kilo.


Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, nakatutok ang National Price Coordinating Council (NPCC) sa naturang isyu at gagawin ang nararapat upang maging makabuluhan ang SRP.


Magugunitang iginiit ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na aksyunan ng pamahalaan ang tumataas na presyo ng karne ng manok at baboy lalo kung mababa lamang ang farm gate price ng mga ito.


Inihayag ng SINAG na ang farm gate price ng manok ay umaabot ng P75 – P82 kada kilo at ang baboy ay nasa P106 – P120 kada kilo. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



SRP sa baboy at chicken, kinatigan ng Palasyo


No comments:

Post a Comment