Saturday, September 6, 2014

Paglilipat kay JPE sa ibang ospital, kailangan na

INIREKOMENDA ng attending physician na kailangang mailipat sa ibang ospital si Senator Juan Ponce Enrile.


Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na may pangangailangan nang ilipat ng ospital si Senador Juan Ponce Enrile.


Ito’y ayon kay Police Chief Inspector Stanley Sevilla, attending physician ng senador, dahil sa kakulangan sa pasilidad ng PNP General Hospital para sa unpredictable condition ni Enrile.


Bagama’t nasa stable naman ang kondisyon ng senador, hindi naman sasapat ang kakayahan ng PNP Hospital kung pag-uusapan ay ang critical management.


Dahil dito, sinang-ayunan ng PNP ang rekomendasyon ng Philippine General Hospital (PGH) na sa Philippine Heart Center o National Kidney and Transplant Institute dalhin ang senador.


Ayon naman sa pulmonologist na si Dr. Leonora Fernandez, may asthma si Enrile at chronic Obstructive Pulmonary Disease na maaring mauwi sa pneumonia.


Bukod dito ay lumiliit din umano ang tubo sa baga ng senador.


Nabatid na ang mga doktor mula sa PGH ang inatasan ng Sandiganbayan na sumuri kay Enrile para sa hiling nito na hospital arrest.


Si Enrile ay nahaharap sa kasong plunder at graft dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Paglilipat kay JPE sa ibang ospital, kailangan na


No comments:

Post a Comment