Monday, September 29, 2014

PNP Chief balik-bansa na

NAKABALIK na sa bansa si Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Alan Purisima mula sa dinaluhang pagpulong sa Bogota, Colombia.


Magugunitang una nang pinatawag sa Senado si Purisima ngunit hindi ito nakarating dahil sa pagpunta nito sa nasabing bansa.


Sa ngayon ay nahaharap sa kasong plunder, graft at direct bribery charges sa Office of the Ombudsman ang pinuno ng PNP dahil sa umano’y ill-gotten wealth at alegasyon ng pagtanggap ng suhol dahil sa pagpapatayo ng mansion sa loob ng Camp Crame.


Pero sa halip na sagutin ang mga paratang laban sa kanya, hindi nagbigay ng anumang pahayag si Purisima nang lumapag sa NAIA ang sinakyan nitong eroplano nitong Linggo ng gabi.


Samantala, muling nanawagan ang MalacaƱang sa mga kritiko na bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag si Purisima kaugnay sa paratang na korapsyon.


Kaugnay nito, nanawagan din si Presidential Assistant for Rehabilitation Panfilo Lacson na magretiro na lang o kaya’y pansamantalang mag-leave ang hepe sa kanyang puwesto. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



PNP Chief balik-bansa na


No comments:

Post a Comment