MULING mabibigyan ng pagkakataon ang mga mahihilig sa sapatos o ang mga simpleng nais lamang bumili ng sapatos at iba’t ibang sapin sa paa sa muling pagdiriwang ng Marikina ng taunang Sapatos Festival.
May temang “Shoe your Happiness,” magbubukas ang pagdiriwang sa unang araw ng Shoe Caravan sa Valenzuela City Hall sa Miyerkules, Oktubre 1, at tatagal doon hanggang Oktubre 3.
Sa naturang caravan, makabibili ang genuine Marikina shoes at iba pang leather products sa halagang 30-50% na mas mura kumpara sa kahalintulad nitong produkto.
Ang iba pang lungsod at munisipalidad sa Metro Manila ay bibisitahin din ng Shoe Caravan sa mga susunod na linggo.
Inaanyayahan ni Marikina Mayor Del De Guzman ang lahat na makiisa at tangkilikin ang mga lokal na produkto sa taunang pagdiriwang na ito.
“Muli nating ipinagdiriwang ang Sapatos Festival. Hinihikayat natin ang lahat na suportahan ang lokal na mga magsasapatos at ang sarili nating industriya sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sapatos, sandalyas, bags, wallets at iba pang leather products na mabibili murang murang halaga. Ang ating 40 kalahok na manufacturers ay magtatampok ng iba’t ibang produktong gawang Marikina. Antabayanan at bisitahin ninyo ang aming Shoe Caravan na bibisita sa inyong mga lungsod,” wika ni Mayor Del De Guzman.
Para kay Jayson Ching, kawani ng isang pribadong kumpanya, ang mga produktong mabibili sa mas murang halaga sa pagdiriwang ng Sapatos Festival ay maaaring gawing pang-exchange gift sa Christmas Party sa mga opisina.
“Malapit na ang Pasko. Napapanahon ang pagdiriwang ng Marikina ng Sapatos Festival lalo na at mabibili ang mga sapatos at ibang produkto rito sa murang halaga. Nakikita ko na ang mga ito ay magandang ipanregalo o para sa exchange gift,” wika ni Ching.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment