Sunday, September 28, 2014

Pribadong sektor ipinasasama sa 4-day work week

NANINDIGAN si House Metro Manila Development Committee chairman Winston Castelo na i-institutionalize na ang 10 hours per day, four days a week na trabaho hindi lamang sa gobyerno kundi pati na sa pribadong sektor.


Sa ganitong paraan, malaki umano ang matitipid ng mga manggagawa at magkakaroon pa ng sapat na panahon sa kani-kanilang pamilya.


Iginiit ng mambabatas, sa ganitong pamamaraan ay hindi naman mababago ang dati nang 40 oras ng trabaho kada linggo.


Si castelo ang may akda ng House Bill 1378 o 4-day work week bill sa Kamara na inihain nito noon pang nakaraang taon.


Sa pagtaya ni Castelo, sa 10/4 work week scheme ay pwedeng makatipid ang mga kawani ng gobyerno at pribadong kumpanya ng hanggang 20% sa kanilang work expenses. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pribadong sektor ipinasasama sa 4-day work week


No comments:

Post a Comment