HINDI natatapos ang pag-iisip ko ng iba’t ibang paraan para makatulong sa ating mga mananakay at motorista sa isyu pa rin ng traffic congestion.
Hindi tumigil ang pakikipag-usap ko sa stakeholders, drivers, operators, traffic enforcers at mismo ang mga mananakay para makakuha ng opinyon at kuro-kuro para sa posibleng solusyon.
At ang matunog sa mga nakuha kong suggestions ay ang pag-prioritize sa public transportation ng paggamit sa EDSA bilang main highway sa Metro Manila.
Parang paggamit lang ‘yan ng paliguan sa isang bahay, dapat scheduled, at priority sa paggamit ang mga miyembro ng pamilya depende sa kung sino ang unang aalis.
Ang may mas maagang appointment ang unang maliligo o gagamit ng banyo o priority sa paggamit ng comfort room.
Kung iisipin natin, ilang libong mananakay at motorista ba ang sabay-sabay na gumagamit ng EDSA.
I-focus natin sa paggamit ng main highway na ito ang pag-aayos ng problema sa traffic.
Pwedeng solusyon ang prioritized used ng EDSA. Ibig-sabihin, mula 6 – 9 AM ay priority ang mga public transportation at baliktad ang coding sa oras na ito na isang set of cars lang na may parehong ending ang plate number ang pwede dumaan sa EDSA from 6 to 9.
Halimbawa, tuwing Lunes ay mga plakang ending to 1 and 2 lang ang pwedeng gumamit ng EDSA from 6 to 9 na kasabay ng lahat ng public transportation.
Sa mga oras na ito, pwedeng sa ibang daanan muna ang ibang private cars.
After ng 9 AM naman, kapag nakapasok na sa mga opisina ang mga manggagawa at sa eskwela ang mga estudyante ay balik na sa regular na coding scheme sa EDSA.
Kung baga ay binigyan lang natin ng prayoridad ang mga public transportation sa pinakamahalagang oras sa araw at konting sakripisyo sa pagbibigay sa kanila ng eksklusibong paggamit ng EDSA mula 6 – 9 AM ng umaga lang naman.
Ano sa palagay ninyo mga kababayan ko?
***
Mag-email sa ariel.inton@gmail.com or mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment