Monday, September 29, 2014

3 Pinoy boxers umusad sa next round sa South Korea

ABANTE sa next round ang tatlong Pinoy boxer sa nagpapatuloy na Asian Games sa Incheon, South Korea.


Umusad sa semifinal round ang Pinoy boxer na si Charly Suarez sa 60 kilogram ng men’s lightweight quarterfinals habang dinomina naman ni Suarez ang Iraqui na si Ammar Jabbar Hasan Hasan sa iskor na 29-27, 29-27, 29-27 para makuha ang spot sa semifinals at masigurado ang isa pang bronze medal ng Pilipinas.


Susubukan ni Suarez na talunin ang Jordanian na si Obada Mohammad Alasbeh sa Huwebes para makapasok sa gold medal match.


Ang ABAP president na si Ed Picson ay hindi napigilang magbunyi sa panalo ni Suarez.


Nakausad din sa quarterfinals ang isa pang Pinoy na si Mark Anthony Barriga sa men’s light flyweight division matapos talunin ang Japanese na si Tosho Kashiwasaki via unanimous decision.


Sunod na lalabanan ni Barriga bukas ang 2012 London Olympics veteran na si Hasanboy Dusmatov ng Uzbekistan sa quarterfinals.


Hindi rin nagpahuli sa pagpasok sa quarterfinals si Wilfredo Lopez makaraang masilat ang Iraqui athlete na si Waheed Abdulridha Waheed sa Round of 16.


Nakuha ni Lopez ang tatlong desisyon ng mga hurado para makuha ang panalo sa score na 3-0. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



3 Pinoy boxers umusad sa next round sa South Korea


No comments:

Post a Comment