WALANG planong magbitiw sa puwesto ang hepe ng pambansang pulisya, bago o pagkatapos ng Senate inquiry.
Agad nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi loyalty check ang ginawang command conference kagabi sa Camp Crame na pinangunahan ni PNP Chief Director-General Alan Purisima.
Ayon kay C/Supt. Christopher Laxa ng PNP Aviation Security Group, tinalakay lang nila ang trabaho ng PNP at kung nagagampanan ito ng naaayon sa “tuwid na daan” campaign ng Aquino administration.
Magugunitang lumutang ang anggulong loyalty check, matapos gawin ang pulong sa bisperas mismo ng pagharap ni Purisima sa Senate investigation na ipinatawag ni Sen. Grace Poe.
Inaasahang sesentro ang hearing sa mga kinasasangkutang kontrobersya ni Purisima, lalo’t una na itong hindi nakadalo sa pagdinig dahil sa seminar sa Colombia.
Si Purisima ay nahaharap ngayon sa mga kasong plunder, indirect bribery at iba pa kaya pinadadala ng mga senador sa opisyal ang kanyang SALN para ito’y mahimay.
Tiniyak naman ng kampo ng PNP chief ang personal nitong pagharap sa Senado para linawin ang mga kinakaharap niyang isyu. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment