Monday, September 29, 2014

Malinis na palikuran at tubig, problema ng mga Albay evacuees

KAKULANGAN sa malinis na palikuran at tubig ang problema ngayon ng mga evacuee dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon.


Ito ang isa sa malaking problema ng mga residenteng nasa evacuation centers sa Albay kaya’t umuuwi pa rin sila sa kani-kanilang mga bahay.


Sinasabing 800 palikuran ang kailangang ipaayos at 50 evacuees ang gumagamit sa kada isang palikuran.


Problema rin ang suplay ng inuming tubig kaya’t magpapaikot ng health engineers ang sanitary office ng Albay para masuri ang kalidad ng inuming tubig mula sa mga water purifier na inilagay ng gobyerno sa evacuation centers.


Tatlo pang water purifiers ang kailangan para sa 46 na evacuation centers.


Ayon sa pinakahuling monitoring ng Phivolcs, dalawang lindol ang naitala mula sa bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag kumpara sa 11 pagyanig noong Sabado.


Subalit, dumoble ang asupreng ibinuga ng bulkang Mayon na nananatiling nasa alert level 3. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Malinis na palikuran at tubig, problema ng mga Albay evacuees


No comments:

Post a Comment