Monday, September 29, 2014

2 Koreano, Singaporean, ninakawan sa Boracay

INIIMBESTIGAHAN ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang sunod-sunod na insidente ng pagnanakaw sa tatlong bakasyunistang dayuhan sa Boracay.


Dumulog sa pulisya ang mga biktimang sina Myung Lee, 24, ng Kyunggi, South Korea; Park Min Yang, 30, ng South Korea; at Tze Hao Wee, 28, ng Singapore, pawang mga nagbabakasyon lamang sa isla.


Base sa report ng BTAC, mga salisi gang ang bumiktima kina Lee habang naglalakad kasama ang kaibigan na si Hung Jung Park sa Bgy. Balabag, Boracay.


Ayon sa kanya, sinalubong at inalok umano siya ng isang lalaki ng monopod, ngunit tinanggihan niya ito.


Habang naglalakad ay pilit umano siyang kinukulit ng dalawang iba pang lalaki na lumapit sa kanya.


Ilang minuto rin umano siyang kinulit ng tatlo bago umalis ang mga ito.


Huli na nang mapansin ng biktima na wala na ang kanyang mamahaling cellphone sa bulsa.


Samantala, sandali lamang umanong nakipag-usap ang isang Singaporean national na si Wee sa isang tindero nang kinuha ng hindi nakikilalang suspek ang kanyang itim na backpack na inilapag nito sa buhangin sa front beach sa Station 1.


Naglalaman umano ang backpack ng laptop, cellphone, camera at 300 Singaporean dollar.


Sa kabilang dako, sinabi ng isa pang Koreano na si Young na tatlong kalalakihan ang dumikit sa kanya habang naglalakad pauwi at saka biglang hinablot ang kanyang bag na naglalaman ng P10,000; 500,000 Korean won, credit cards at susi ng tinutuluyang hotel.


Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakilanlan ng mga suspek. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



2 Koreano, Singaporean, ninakawan sa Boracay


No comments:

Post a Comment