Monday, September 29, 2014

DoH 2015 budget, bigong makalusot sa Senado

NABIGONG makalusot sa Senado ang P102-bilyong panukalang 2015 budget ng Department of Health (DoH) dahil hindi pa ganap na napag-aaralan ng ilang solon ang mga dokumento na hiningi sa ahensya.


Sa nasabing pagdinig nitong Lunes, sinabi ni Sen. Teofisto Guingona, chairman, Senate committee on health and demography, umapela sa kanya sina Sen. Nancy Binay at Pia Cayetano na huwag munang aprubahan ang budget ng ahensya.


Pinag-aaralan pa aniya ng kampo ni Binay ang mga dokumento na nauna niyang hiningi sa DoH noong nakaraang pagdinig.


Kabilang sa request ni Binay sa DoH ang breakdown ng 2013 at 2014 budget ng ahensya; listahan ng cancelled projects dahil ginamit bilang savings o isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP).


Ayon sa chairman, hindi naman kuntento si Cayetano sa isinumiteng datos ng hinihinging supplemental budget ng DoH na P14-bilyon para sa Philhealth coverage ng lahat ng senior citizens.


Aniya, base sa computation ng Senado, aabot lamang sa P5-bilyon ang kakailanganin para ma-cover ng Philhealth ang natitira pang P2-milyong senior citizens sa bansa.


Saad pa nito, masyadong general ang paliwanag ng DoH at hindi makita ng lady solon kung saan gagamitin ang matitira sa hinihinging P14-milyong supplemental budget.


Sa kasalukuyan, may 4-milyong senior citizens ang sakop ng PhilHealth. LINDA BOHOL


.. Continue: Remate.ph (source)



DoH 2015 budget, bigong makalusot sa Senado


No comments:

Post a Comment