Monday, September 29, 2014

Abaya, Purisima ipinagtanggol ng Palasyo

PATULOY na ipinagtatanggol ng Palasyo sina Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Jun Abaya at Philippine National Police (PNP) Chief General Alan Purisima kaugnay ng kinakaharap na kontrobersya.


Si Abaya ay nahaharap sa kaso sa Ombudsman dahil sa umano’y katiwalian sa MRT 3 habang si Purisima naman ay nahaharap sa imbestigasyon dahil sa kuwestyonableng yaman.


Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, nananatili pa rin ang kumpiyansa ng Pangulong Aquino sa dalawang opisyal at ayaw nitong pangunahan ang takbo ng imbestigasyon.


Ipinagmalaki pa ni Coloma na nakasama pa nga ng Pangulong Aquino si Abaya sa kanyang mga lakad sa Europa habang si Purisima naman ay hinihintay nito ang kanyang paliwanag.


Kasabay nito, tiniyak din ng opisyal na hindi natitinag o naaapektuhan ang trabaho ng Pangulong Aquino sa kontrobersyang kinakaharap nina Abaya at Purisima. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Abaya, Purisima ipinagtanggol ng Palasyo


No comments:

Post a Comment