Monday, September 29, 2014

Luy accounts, sisilipin ng kampo ni Revilla

SISILIPIN na ng kampo ni Senator Ramon “Bong“ Revilla ang account ni Benhur Luy makaraang payagan ng Sandiganbayan First Division na magkaroon ng limitadong access sa kontrobersyal na files ng whistleblower.


Sa pitong pahinang resolusyon, sinabi ng anti-graft court na paglabag ito sa karapatan ni Luy.


Gayunman, bilang akusado, may karapatan si Revilla na ma-access ang files ni Luy sa hard drive dahil naipresinta ito bilang ebidensya sa open court.


Giit naman ng mga mambabatas, ang mga importanteng impormasyon lamang na may kaugnayan sa kaso ang pwedeng galawin ng senador.


Si Revilla ay nananatili pa ring nakakulong sa PNP Custodial Center dahil sa kinakaharap na kasong plunder at graft charges. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Luy accounts, sisilipin ng kampo ni Revilla


No comments:

Post a Comment