Sunday, September 28, 2014

Paghahanda sa Manila Cathedral, puspusan para sa Papal visit

PUSPUSAN na ang paghahanda ng Simbahang Katolika para sa pagbisita ni Pope Francis sa Enero 15-19, 2015.


Katunayan, nito lamang Huwebes ay inumpisahan na ang restoration sa loob at labas ng Manila Cathedral.


Sinabi naman ni Henrietta de Villa, dating Ambassador to the Vatican, mas makabuluhan ngayon ang pagpapaganda sa Manila Cathedral dahil sa nakatakdang pagbisita ng Papa sa susunod na taon.


Gayunman, pansamantala namang itinitigil ang pagpapaganda ng simbahan tuwing Linggo para sa pagdaraos ng banal na misa.


Inaasahang magmimisa ang Papa sa katedral gaya na rin ng nakagawian ng iba pang Santo Papa na bumibisita sa bansa.


Isa si St. John Paul II sa mga nagmisa sa katedral noong 1981 at 1995.


Matatandaang isinara ang naturang simbahan matapos itong sumailalim sa restoration at muling binuksan makalipas ang dalawang taon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Paghahanda sa Manila Cathedral, puspusan para sa Papal visit


No comments:

Post a Comment