DAHIL hirap dumumi, isang magsasaka ang nagbigti sa Cagayan nitong Sabado ng gabi, Setyembre 27.
Ang biktimang si Domingo Berme, 49,ng Wood Crest Alimmanao Hills sa bayan ng Penablanca, Cagayan ay gumamit ng limang metrong kable ng kuryente na ipinalupot sa kanyang leeg.
Sa ulat, nadiskubre ang insidente dakong 6:25 ng Linggo ng umaga sa isang puno malapit sa kanilang bahay.
Ayon sa dalawang pinsan ni Berme na sina Dante at Jordan Canapi, bago ang insidente ay kasabay nilang natulog ang kanilang pinsan.
Pero bago maghatinggabi ay tumayo ito at sa pag-aakalang iihi lamang ay hindi nila ito pinansin.
Kinabukasan, nakita ng isang Jay Daquioag si Berme na nakalambitin sa nasabing puno.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumabas na problemado ang biktima dahil may limang araw na itong hindi nakadudumi.
Magkagayunman, hindi naman isinasantabi pa ng pulisya na may foul play sa pagkamatay ng biktima. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment