Monday, September 29, 2014

QC gas station, hinoldap ng riding-in-tandem

NAGPAKARGA muna ng gasolina bago hinoldap ng kilabot na riding-in-tandem ang isang gasolinahan sa Quezon City nitong Linggo, alas-10:15 ng gabi, Setyembre 28.


Hinoldap ng mga kawatan ang Petron gas station na nasa kanto ng NIA Road at East Ave. sa Bgy. PiƱahan, Q.C.


Sa ulat, ayon sa cashier ng gasolinahan na si Sandra Cuntado, 32, bago ang insidente ay nagpakarga muna ng gasolina ang mga suspek para sa kanilang motorsiklo.


Habang abala aniya ang kanila gasoline boy sa pagkarga ng gasoline, umikot ang kaangkas na suspek sa kanyang booth at nagdeklara ng holdap.


Sa takot naman na iputok ang itinutok na baril, ibinigay ni Cuntado sa suspek ang maghapong kita ng gasolinahan na umaabot sa P20,000.


Tinangkang harangin ng mga nakasaksi ang magkaangkas na suspek na kapwa naka-helmet ngunit pinaputukan sila ng baril. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



QC gas station, hinoldap ng riding-in-tandem


No comments:

Post a Comment