Tuesday, September 30, 2014

WALANG KWENTANG ‘TUWID NA DAAN’

MARAMI ang bumabatikos kina Pangulong Aquino at DILG Sec. Mar Roxas sa tila pag-asta nilang abogado ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima.


Kasi, habang ipinagtatanggol nila si Purisima ay lalong lumalabas na kahiya-hiya itong ating bansa.


Mistula raw kasing mga bobo at tanga sina PNoy at Roxas dahil hindi pa raw nila nakikita ang kabulukan at kapalpakan ni Purisima.


Imbes daw na ipagtanggol, bakit hindi na lang utusan lalo ni PNoy na kusang mag-resign na lang ang PNP chief.


Si Purisima ay kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman ng isang grupo kaugnay ng kahina-hinalang mga kayamanan nito.


Paano nga naman maitutuwid si Purisima kung idinedepensa na kaagad siya ng mismong Pangulo ng Republika?


Bias na bias si PNoy ‘pagkat si Purisima ay kakampi at kaibigan niya.


Itong si Roxas, sa halip na gumaya kay PNoy, ano ba naman ang hilingin kay Purisima na mag-leave-of-absense habang hinaharap ang mga akusasyon sa kanya.


Nakasalalay sa PNP ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mamamayan.


Kung ganyang puno ng kontrobersya ang kasalukuyang pinuno ng pambansang pulisya, paano niya magagampanan nang maayos ang kanyang tungkulin?


***

Maging si Sen. Grace Poe ay iritado na kay Purisima. Kung ilang beses na kasing inisnab ng chief PNP ang pagdinig na ipinatawag ng kanyang komite partikular na sa panukalang modernisasyon sa PNP.


Nakabuyangyang na nga ang mga kuwestyonableng yaman ni Purisima, patuloy na nagmamalinis pa rin ang lekat.


Sabi ni PNoy, hindi matakaw at maluho ang pagkakilala niya sa kaibigang si Purisima.


Hindi ba matakaw ‘yan, e’ ang laki-laki ng tiyan at namumula ang kutis na tila hindi naaarawan.


Sanamagan!


***


Ngayong lumitaw ang tunay na pagkatao ni Purisima, dapat ay alamin na nang mabuti ni PNoy kung totoo nga ang mga binibintang sa kanyang kaibigan.


Sigurado nga ba talaga siya sa tunay na pagkatao ni hepe?


Baka nagsisinungaling na ito sa kanya.


Kung ‘yung iba ngang mag-asawa e, nagkakalihiman ng kanilang mga milagro, sila pa kaya na magkaibigan lang at hindi magkasama sa iisang tirahan.


Maliban na lang kung may alam na sikreto si Purisima kay PNoy, ipagtatanggol ng Pangulo ang kanyang kaibigan kahit gaano pa ito kadumi.


Wala talagang kakwenta-kwenta itong “Tuwid na Daan”. Pwe! KANTO’T SULOK/NATS TABOY


.. Continue: Remate.ph (source)



WALANG KWENTANG ‘TUWID NA DAAN’


No comments:

Post a Comment