Monday, September 29, 2014

Pagsabog ng Mayon, hindi matukoy kung vulcanian o strombolian

SA kabila ng pang-12 araw na pag-aalburuto ng bulkang Mayon, aminado ang mga eksperto na hindi pa nila matukoy kung vulcanian o strombolian ang pagsabog nito.


Magkagayunman, sinabi ni Director Renato Solidum, ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na ang nabanggit na dalawang klase ng pagsabog ng Mayon ay kapwa mapanganib, ayon na rin sa 26 pagsabog ng Mayon simula noong taong 1616.


Ang vulcanian eruption ay ang malakas na pagsabog, multiple pyroclastic flows o may fast-moving mix ng hot gas at rocks at lava na rumaragasa sa volcano slopes.


Habang ang strombolian blast naman ay may tahimik na pagragasa ng lava sa paanan ng bulkan. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagsabog ng Mayon, hindi matukoy kung vulcanian o strombolian


No comments:

Post a Comment